Entries

Para kay Carmen ( My first attempt to write poems in Filipino in years.)

March 11, 2016

 

Una:

Carmen
Mundo ay nagpapatuloy
O Kay bilis, kay ligalig
Minsan para bang kumunoy
O rumaragasang tubig

Kaya kapit lang, kapit lang
Huwag kang magpatianod
Pagka’t ang iyong kalungkutan
Ay pagtitibayin iyong loob.

 

Ikalawa:

Carmen

Ang mundo’y hindi patas.
Sa iyong kahinaan,
Gawin mo akong lakas
Kaagapay sa laban.

Pagka’t ako’y naririto,
‘Pag ika’y nalulumbay,
‘Pag ika’y nalilito,
At ayaw ng mabuhay

Dahil ang tanging hiling,
Ngiti mo’y masilayan;
Ibulong sa bituin
Iyong kaligayahan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back To Top